Gusto ko lang sabihin na GUSTO KITA.
Gusto kita, gustong-gusto kita.
Gusto kita, gusto kita kapag nagyayabang ka.
Gusto kita, gusto kita kapag nagda-drama ka.
Gusto kita, gusto kita kapag sinasabi mong pogi ka.
Gusto kita, gusto kita kapag sinasabi mong magiging artista ka.
Gusto kita, gusto kita kasi may tiwala ka sa pagkatao ko.
Gusto kita, gusto kita kasi kaya mo akong paniwalaan na walang imposible.
Gusto kita, gusto kita kasi sinusuportahan mo ako.
Gusto kita, gusto kita kasi nakikinig ka sa akin.
Gusto kita, gusto kita kasi nag-aalala ka para sa akin kahit sa sandaling panahon ng pagkakaibigan natin.
Gusto kita, gusto kita kapag inaamin mong umiiyak ka kapag may pinag-uusapan tayo.
Gusto kita, gusto kita kasi alam mo kung paano ako pangitiin. (kahit di mo nakikita)
Gusto kita, gusto kita kapag nagpa-plano ka na kasama ako.
Gusto kita, gusto kita dahil sa mga mata mong nagpaparamdam sa akin ng nararamdaman mo.
Gusto kita, gusto kita dahil sa mga labi mong pag ngumiti’y nagliliwanag ung araw ko.
Gusto kita, gusto kita kasi kapag nakikita at nakakausap kita gusto kong baguhin yung sarili ko at maging mas mabuting tao.
Gusto kita, gusto kita dahil nararamdaman ng puso ko at sinasabi ng isip ko na ikaw, ikaw yung gusto kong makasama kung may pagkakataon.
Gusto kita, gusto kita. At dahil gusto kita, gusto ko nang ihinto itong nararamdaman ko at mahalin ka na.
Gusto kita, gusto kita. Gusto kong yakapin ka at itanong sayo na “Kung best ako para sa iyo, bakit hindi na lang ako?”.
Gusto kita, gusto kita.
At dahil gusto kita, tatanggapin kong mas gusto mo siya kahit araw-araw nadudurog yung puso ko dahil hindi na ako yung best para sa iyo.
Sayang lang at itong pagka-gusto ko sayo ay hindi na aabot sa MAHAL KITA, MAHAL KITA KASI.. :(